TRENDING sa Twitter si Ellen Adarna last May 1, dahil sa kanyang feisty answers sa mga katanungan coming from her Instagram followers.
Most of the questions were in the Visayan dialect kaya Bisaya rin ang kanyang sagot.
Sa katanungang why do people cheat, straightforward ang kanyang kasagutan.
‘Di raw sila kuntento kaya ganon.
Sa tanong na kung naranasan na niyang pagtaksilan ng karelasyon, positibo ang kanyang kasagutan.
Sa isang relasyon, dapat daw ang mga babae ay hindi naghahabol.
“So, you know, he’s not worth chasing. I never chase.
“And you shouldn’t be chasing also, you know, because you’re a woman.
“The egg doesn’t swim to the sperm, it doesn’t work that way.
“It’s not natural.”
Ang break-up ay hindi na bago kay Ellen.
Ang last relationship niya, the one with John Lloyd Cruz, ay nagtapos right after two years at nagbunga ng isang anak na lalaki si Elias Modesto.
Sa tanong na kung paano niya napananatili ang kanyang “strong and independent woman” trait in spite of heartache, Ellen has this to say:
“Because heartbreaks are just temporary. If you work hard to be a strong and independent woman, it can be forever.
“Dili na nimo problema, that’s their problem.
“You just have to deal with the pain and get through it with composure.”
Sa katangiang hanap ni Ellen sa kanyang magiging ideal husband, “I think, you don’t need the perfect guy. You just need to find someone you’re compatible.”
True love or get rich?
“Both. I’m not gonna give up until I find my true love and get rich.”
FUCCBOIS STAR KOKOY DE SANTOS TAMPOK SA BL SERIES NILA NI ALEX DIAZ
EXCITING ang BL (Boys’ Love) series ng KoLex (blending ng pangalan ng mga bidang sina Kokoy de Santos at Alex Diaz) na Oh, Mando!.
Sensational at nag-viral si Kokoy these last few days primarily because of his provocative scenes with Ricky Davao and Royce Cabrera at the Cinemalaya 2019 film Fuccbois, which is now pirated at the YouTube and Facebook, and is now being talked about at the Twitter, Messenger and Viber.
This indie movie is directed by the multi-awarded director Eduardo “Edong” Roy Jr., who also directed Fuccbois, Lola Igna (2019), Pamilya Ordinaryo (2016), Quick Change (2013), and Bahay Bata (2011).
When asked kung kailan ang streaming nito sa iWant TV, natigil raw ang shoot nila on their 4th day of shooting because of the pandemic. May last remaining five days pa raw sila, sabi ni Direk Edong sa isang interview.
“Boys’ Love series ito na Pinoy style.
“Ang dating ay light, sweet and full of kilig moments.
“Iyan ang unang gagawin ko kapag na-lift na ang community quarantine.”
Nasa cast rin si Barbie Imperial.
Tipong magaling at sanay na sina Kokoy at Alex sa roles na kanilang ginagampanan kaya marami ang interesadong mapanood ito.
(Para sa frontliners at ibang beneficiaries) BEA ALONZO AT KAIBIGANG SI RINA NAVARRO NAKALIKOM NG P6M DONATIONS
NAKALIKOM na ng PHP6.036 million ang I Am Hope, ang charity organization na itinatag ni Bea Alonzo at ng kanyang kaibigang si Rina Navarro.
Rina is the co-producer of the 2014 movie Bonifacio: Ang Unang Pangulo, that was starred in by Robin Padilla.
Kasama rin nila sa I am Hope si Vhong Navarro, ang theater actress na si Tricia Canilao, at PR excutive-events host na si May Militante.
Ginamit ng nasabing organization ang pondong na-raise nila to help our countrymen who are afflicted by COVID-19 pandemic.
Nag-share rin sila ng mga pagkain at mga personal protective equipment sa frontliners sa mga ospital at mga barangay.
Karamihan sa kanilang beneficiaries ay mga hospital within the Metro Manila, pero nakarating din sila sa pamimigay ng donations sa Pampanga at Leyte.
“We would like to express our deepest gratitude for all the support that we have been receiving from the generosity of our friends, donors, and brand partners.
“We are able to help the frontliners and communities since our launch.
“Our world is rapidly changing and we are proud of how we, Filipinos are coping by helping each other, the true Filipino spirit of Bayanihan.”
Comments are closed.