KINAILANGAN ng Magnolia Pambansang Manok, Phoenix Pulse at Blackwater na ilipat ang kanilang training activities dahil sa health concerns dulot ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.
Ang Hotshots ay lumipat mula STI Lipa sa Batangas State University, Fuel Masters mula STI Lipa sa Malarayat Golf and Country Club habang ang Bossings ay lumipat sa Summit Point Country Club sa Lipa mula sa Esplendido sa Laurel, Batanga
Ayon sa PBA, ang Hotshots at Fuel Masters ang pinakaapektado dahil ang STI Lipa gym ay matatagpuan sa eighth floor ng school facility.
Samantala, sinamahan ng TNT Tropang Giga at Meralco Bolts ang mga koponanang halinhinang gumagamit ng BSU Gym sa Batangas City matapos na makumpleto ang isa pang bubble training program sa Centennial Arena sa Laoag, Ilocos Norte.
Ang 12 PBA ball clubs ay patuloy sa pag-eensayo bilang paghahanda sa July opening ng Season 46.
Umaasa ang mga opisyal ng PBA na papayagan na ang liga ng Inter-Agency Task Force na makapagsimula ng season ngayong buwan sa gitna ng mga paghahanda na isinasagawa nito.
Nariyan ang kanilang vaccination program at ang tuloy-tuloy na periodic testing.
“Very minimal ang nag-positive. Out of over 400 tested, only six turned out positive; dalawa asymptomatic and the rest with mild symptoms requiring no hospitalization. At okay na sila ngayon,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.
Idagdag pa ang pakikipag-ugnayan nila sa mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Games and Amusements Board (GAB) at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paglalatag ng mga plano at protocol para sa target na pagbubukas ng liga.
“Health and safety of everyone is still our primordial concern,” ani Marcial.
Samantala, ang NLEX Road Warriors ay nag-eensayo sa St. Paul American School gym sa Clark.
Magkasalo naman ang Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa Aquamarine gym sa Lipa; ang Alaska Milk Aces ay sa Valentino Resort sa Lipa; ang Terrafirma Dyip ay kabilang sa nag-eensayo sa BSU Gym habang ang Rain or Shine Elasto Painters ay kasalukuyang limitado sa weights training sa Reyes Gym sa Mandaluyong. CLYDE MARIANO
194170 784511This internet web site is often a walk-through rather than the details you wanted about it and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll definitely discover it. 538170