NILINAW ng Department of Energy (DOE) na hindi malaki ang epekto sa industriya ng petrolyo sa Filipinas ang namumuong tensiyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Tiniyak ni Energy Asec. Leonilo Pulido na sapat ang supply ng langis sa bansa para sa buong unang quarter ng taon.
Wala umanong dapat ikabahala ang mga consumer dahil hindi naman nagi-import ng langis ang Filipinas sa Iran.
Paliwanag nito, deregulated ang oil industry sa bansa kaya karamihan sa players ay kumukuha ng langis sa ibang suppliers.
Wala rin aniyang inaasahan na malaking pagtataas ng presyo ng diesel.