DINALA ng San Miguel Beer si Kelly Nabong sa NorthPort kapalit ni young big man Russel Escoto.
Si Nabong ay napunta sa Beermen noong Hunyo 2018 at tinulungan ang koponan na makopo ang 2019 All-Filipino at Commissioner’s Cup titles.
Subalit pinatawan si Nabong, kasama sina Arwind Santos at Ronald Tubid, ng indefinite suspension noong nakaraang Nobyembre dahil sa kanilang partisipasyon sa kaguluhan sa ensayo ng koponan, na kinasangkutan din ni import Dez Wells.
Si Nabong ay may average na 4.1 points at 3.3 rebounds sa 10 games sa PBA Governors’ Cup.
Samantala, si Escoto ay may norm na 3.7 points at 2.4 boards para sa NorthPort.
Comments are closed.