BENGUET – HINDI nagkamali ng desisyon si Ret. Gen. Benjamin Magalong na pumasok sa politika makaraang mahalal bilang alkalde ng Baguio City.
Si Magalong ay dating hepe ng Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG).
Nakakuha ng 41,207 na boto si Magalong laban sa kalabang si Edison Bilog na may 22,609 batay sa 99.56 percent ng election results.
Magugunitang si Magalong ang nanguna sa imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng Special Action Force (SAF) 44 sa Mamasapano operations.
Nagretiro si Magalong noong 2016 ngunit itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang board member ng Philippine National Oil Co. noong nakaraang taon. AIMEE ANOC
Comments are closed.