PANGASINAN-ISANG dating pulis na sangkot umano sa gun-for-hire group ang napatay matapos makipagbarilan sa awtoridad na nagtangkang dakpin ito sa Mangaldan.
Ayon sa pulisya, matagal nang pinaghahanap si Efren Ponceja dahil sa kasong pagpatay.
Sa tulong ng ilang informants ay natunton ang pinaglulunggaan ng suspek sa bayan ng Mangaldan, subalit ng tangkain na arestuhin ng mga pulis, agad umanong nagpaputok ng baril kaya gumanti ang mga pulis at napaslang ito.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na tinuturong suspek si Ponceja sa pagpatay sa isang pulis na taga-Binalonan, Pangasinan noong 2016.
Ayon kay Col. Redrico Maranan, Pangasinan police chief, nakatulong sa kanila ang mga ipinatupad ng community quarantine sa anti-criminality campaign ng pulisya.
Maghihigpit ang mga pulis sa mga checkpoint para mahuli iyong mga posibleng wanted sa batas at mga taong may dalang mga kontrabando, ani Maranan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.