‘F4’ KAKALAWITIN NG FALCONS

Falcons

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. – UST vs AdU (Men)

4 p.m. – NU vs DLSU (Men)

NABIGO sa kanilang huling laro, muling tatangkain ng Adamson na mapormalisa ang pagpasok sa Final Four habang sisikapin ng La Salle na manatiling nakadikit sa  top two teams sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Target ng Falcons na makabalik sa winning track sa pakikipagtipan sa  University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon, habang puntirya ng Green Archers ang ikatlong sunod na panalo kontra National University sa alas-4 ng hapon.

Isang laro ang pagitan ng Adamson (8-3) at La Salle (7-4), kung saan ang dalawang koponan ay mahigpit na naglalaban para sa ikalawang twice-to-beat bonus sa Final Four.

Ang defending champion Ateneo na may league-best 10-2 card, ay nakasisiguro na ng playoff  para sa isa sa semifinals bonus na nakataya.

Naunsiyami ang pagmartsa ng Falcons sa Final Four nang gapiin ito ng Blue Eagles, 48-62, noong Linggo.

“We’re not even sure of everything. We just have to do our own job. We cannot rely on other teams beating the other school for us to be assured. Who knows. We still have three games. I think the last games, this is the most important, there’s a logjam with 2, 3, 4,” wika ni Adamson mentor Franz Pumaren.

Ramdam na ng Falcons ang playoff atmosphere.

“Tonight’s game is a testament that the playoffs started tonight. Atmosphere was different, the intensity was different,” wika ni Pumaren, patungkol sa kanilang duelo ng Ateneo na tinawag na potential Finals preview.

Ipinamalas ang kanilang best game sa season, minasaker ng Green Archers ang Growling Tigers, 110-69, noong Sabado.

Nasa ikatlong sunod na laro sa loob ng walong araw, nais ni La Salle coach Louie Gonzalez na manatiling matalim ang kanyang tropa sa krusyal na bahagi na ito ng season.

“Kaunting sakripisyo lang. ‘Yung mga player ko walang problema, they will do everything para sa ikatutulong ng team namin,” ani Gonzalez.

Nasa ika-6 na puwesto sa 5-6, ang  UST ay naghahabol sa fourth placers Far Eastern University at University of the Philippines (6-6) ng kalahating laro sa karera para as huling semifinals berth.

Habang ang Tigers ay may pag-asa pa para sa susunod na round, ang kapalaran ng Bulldogs para sa Final Four  ay nakasalalay na lamang sa kanilang mga kamay.

Ang NU ay may 3-8 kartada,  two-and-a-half games ang layo sa No. 4, at ang tanging paraan para makasiguro ang Bulldogs sa Final Four playoff ay ang mawalis ang kanilang na­lalabing tatlong laro at umasa na ang No. 4 team sa  standings ay hindi makaka-7 panalo.

Comments are closed.