FACE MASK MASS WEDDING KAHIT MAY PANDEMIC

Face Mask Wedding

KIDAPAWAN CITY – HINDI inalintana ang banta ng COVID-19 pandemic, itinuloy pa rin mass wedding para sa  siyam na couples na ginanap sa loob ng makeshift venue sa harap ng Kidapawan City Hall kahapon.

May mga bisita pero limitado lamang ang tinaguriang “face mask wedding” dahil sa umiiral pa rin ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa nasabing lungsod.

Nagpalitan ng “I Do” ang siyam na couples sa harap ni Mayor Joseph Evangelista kung saan kabilang sa ikinasal ang person with disability (PWD) na sina Jese at Rosalie na limang taong nagsasama at may isang anak na.

Hindi rin naging hadlang ang pagiging “deaf and mute”  ng dalawang ikinasal na kahit na sign language lamang ay naidaos ang pag-iisang dibdib ng mag-asawa.

Gayundin, muling nagpaalala ang alkalde na ang pagmamahal, paggalang at katapatan sa kanilang partner ang dapat mangibabaw alinsunod sa Family Code of the Philippines at ng RA 9262 (Violence Against Women and Children Law).

Kabilang sa ikinasal sa Mega Tent ng City Hall ay sina Sergio Sixto at Jessa Mandin; Dave Panes at Charmaine Intong; Diover Cajurao at Janice Salamanca; Geoffrey Ramirez at Jan Pauline Relampagos; Elmer Samanion at Gemma Arellano; Jeoffrey Abingue at Gussebelle Bayon; Regin Albacite at Ana Rose Ani­nipot; at sina Garry Baliguat at Rhea Mae Pindoy. MHAR BASCO

Comments are closed.