MALAKI ang pangamba ng Simbahang Katoliko na patuloy na maharap sa krisis ng paghahanap ng katotohanan ang Pilipinas dahil sa paglaganap ng mga balitang hindi totoo o tinatawag na fake news.
Ikinababahala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang magkakasalungat na interpretasyon ng mga eksperto sa Saligang Batas, na aniya ay nagbubunga ngayon ng pagdududa, kawalan ng tiwala at pagkakahati-hati.
“Dear Brother Priests and Communities of Consecrated Persons, as we celebrate the Solemnity of the Ascension, we cannot deny that we are facing a crisis of truth. It is almost impossible for us ordinary citizens to know which news is true and which is fake,” bahagi ng circular letter ni Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng “Solemnity of the Ascension”.
Iginiit ng kanyang kabunyian na ang “partisan politics” ay nagiging political “tribalization” kung saan unang naisasakripisyo ang kabutihan sana ng nakararami.
“Experts in the Constitution give us conflicting interpretations of basic questions of law. The crisis of truth has sown seeds of suspicion, mistrust and fragmentation,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Kaugnay nito, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na makiisa sa tinawag niya na “Feasts of Truth and Love” sa loob ng 12 araw na magsisimula sa ika-20 ng Mayo, Pentecost Sunday, hanggang sa ika-31 ng Mayo.
Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang hakbang na ito ay bilang tugon sa pagkalat ng fake news at magkakasalungat na katoto-hanan.
Gagawin ito sa pamamagitan ng 12 araw na pagpapatunog ng kampana sa lahat ng simbahan sa Archdiocese of Manila tuwing alas-3 ng hapon bilang paggunita sa pagkamatay ni Hesus at para hilingin sa Diyos ang pagpapadala ng Banal na Espiritu na mag-bibigay ng gabay sa mamamayan tungo sa katotohanan sa panahong ito.
Pagkatapos ng pagpapatunog ng mga kampana, sabay-sabay na dadasalin ang Chaplet of the Divine Mercy sa lahat ng simba-han, kapilya, kumbento, paaralan, opisina at tahanan. PAUL ROLDAN
Comments are closed.