DISMAYADO ang fans ni Alden Richards nang hindi nabanggit ni Pia Guanio ang name ng Pambansang Bae bilang isa sa presenter ng Miss Millennial Philippines 2019 Grand Coronation na ginanap sa Eat Bulaga nu’ng Sabado.
Tanging ang co-presenter na SKAL International Chairman Joseph Lim lang ang natawag ni Pia.
Ang Dabarkads na co-host ni Pia na sina Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo at Allan K ay hindi rin napansin na ‘di natawag ang name ni Alden.
Makikita sa reaksiyon na pangiti-ngiti lang ang Kapuso actor, but deep in his heart siguro ay nagtataka rin siya kung bakit ‘di naipakilala ni Pia bilang presenter.
After maiabot ang sash at flowers, in fairness kay Paolo, na-realize siguro agad niya na ‘di na-mention ang name ni Alden.
Kaya after na umalis sa stage sina Alden at Mr. Lim ay pahabol na sinabi ni Paolo “And thank you rin, Alden!”
Hindi lang ang fans ang nag-react kundi maging ang handler ni Alden na mula sa GMA Artist.
Say ng handler sa kanyang social media account, “Di man lang binanggit, haha! parang pahabol na lang, ah?”
Sabi naman ng mga fans, ‘di man daw na-acknowledge ang name ni Alden samantalang kitang-kita naman daw ang kanilang idolo na katabi ng co-presenter.
“Ano ba ‘yan nakalimutan lang ba ni Pia na banggtin ang pangalan ni idol o sadyang wala sa binabasa niyang cue card.’
Isang netizen naman ang nagkomento, ‘’Di lang pala sa lovers ang GHOSTING kitang-kita ng lahat si Alden pero si Pia ‘di siya nakita.”
“What EB did was so disappointing, after ‘di nakapag-promote ng movie, may ganito pa”?
Ang komentong ito ng netizen ay patungkol sa movie noon nina Alden at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye na si-nasabing hindi nai-promote sa EB ng actor gayong isa rin naman daw siyang host ng noontime show.
Sa first runner-up winner naman ng Miss Millennial Philippines ay muling co-presenter ng Vice Consul ng Philippine Embassy sa Myanmar si Alden.
Si Paolo ang naatasang tumawag sa mga mag-aabot ng award sa winner.
Naipakilala na ni Paolo ang Vice-Consul at babanggitin na raw sana nito ang premyo, pero maagap na nabanggit niya “with Alden Richards pala!”
“Ano ba ‘yan twice pala talaga siyang (Alden) naging after thought na lang.”
Nagtatanong tuloy ang fans ni Alden kung ‘pinaglalaruan daw ba ng Dabarkads host ang kanilang idolo.
Samantala, after ng EB program ay nakarating kay Pia ang mga reklamo ng fans ni Alden.
Agad na nag-post si Pia sa kanyang socmed at nag-message kay Alden para sa kanyang mga fans,
Ani Pia: “So proud to be part of a segment that aims to show how beautiful our country is. Today’s @missmillennialphilippines look. Styled by Hillary @iamkatrinacruz. HMU by me and @arviematibag. Hi @aldenrichards02! Please tell your fans not to get mad na! (with emoji) ‘wag na mag-away! God bless you all!!!”
Sa mensahe ni Pia lalong nainis ang Alden fans sa kanya. Wala man lang daw kaayos-ayos ang paliwanag ni Pia.
Saad ng isang netizen, “Ms. Pia Guanio, when you make a mistake, whether it’s deliberate or not, you give an apology and an explanation. Not ask the one insulted to clean up your mess.”
Dinelete na Pia sa kanyang IG ang caption na ginawa para sa fans ni Alden.
TALENT NI ANGEL LOCSIN SA ART HINANGAAN NG NETIZENS
NAG-POST si Angel Locsin sa kanyang socmed, “para maiba lang.”
Nag-post kasi ang actress ng kakaibang abstract painting na kanyang gawa.
Iilan lang ang nakaaalam na maliban sa acting ay may hidden talent din ang actress— ang pagpipinta.
Hinangaan ng netizens ang post ni Angel sa kanyang @therealangellocsin IG account.
“Now that’s what I call art,” komento ng netizen.
Ang isa naman ay nagsabing “Huwaw! Mas okey ito kesa ‘yung kayGoma…”
Kamakailan lang kasi ay nag-post din si Richard Gomez ng kanyang kakaibang likha. Ang isa ay sa private part ng lalaki.
“Mas ok talaga than that horrid painting of Goma. Kahit na paint by numbers lang yang kay Angel ay ‘di hamak na mas ma-ganda.
Paint by numbers yan. Sinabi niya sa comments section. Pero yes, something new pa rin for her and impressive!”
Aside sa preparation ng kanilang kasal ni Neil Arce, ay ang pagpipinta ang pinagkakaabalahan ni Angel.
Pampaalis daw ng stress dahil sa nalalapit na niyang kasal.
Comments are closed.