MAGIGING host ang Filipinas sa Groups A at C ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers sa Pebrero, ayon sa regional office ng basketball world governing body.
Bukod sa Filipinas, kinumpirma ng FIBA Regional Office Asia na tatlong iba pang qualifiers ang gaganapin sa Japan, Bahrain, at Qatar.
Nangunguna ang Gilas Pilipinas na may six points sa Group A, kung saan kasama nito ang South Korea, Indonesia, at Thailand. Samantala, nasa Group C ang New Zealand, Australia, Guam, at Hong Kong.
Ang mga laro sa bansa ay idaraos sa Clark, Pampanga, kung saan galing ito sa matagumpay na hosting ng PBA Philippine Cup sa kabila ng pandemya.
“The last window will be organized as protected environment tournaments in order to ensure health and safety of all participants,” ayon sa FIBA.
Ang mga nalalabing laro ng 2021 qualifiers ay gaganapin sa final window sa February 18-22, 2021.
Sinabi ng FIBA na ang pinakamahalagang criteria sa pagpili ng hosts ay health at travel guarantees at pagsunod sa FIBA health protocols, kabilang ang testing at controlled entry sa secure environment.
Ang eksaktong iskedyul ng mga laro ay kukumpirmahin sa mga susunod na araw.
Comments are closed.