FIBA NAKATUTOK SA PBA BUBBLE

Willie Marcial

MARAMI ang nakataya sa  PBA bubble sa Clark, Pampanga, kung saan ipagpapatuloy ng liga ang season nito na natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi lamang ang PBA ang taimtim na nananalangin para sa ikatatagumpay ng torneo. Ang ibang liga, kabilang ang Philippine Superliga, ay nakatutok din sa mga aktibidad ng PBA dahil maging sila ay may plano ring magdaos ng sarili nilang event ngayong taon.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, maging ang FIBA ay nagbabantay sa mga aktibidad ng liga, kung saan ito ang unang liga na magbabalik-aksiyon makaraang matigil ang lahat ng sports dahil sa pandaigdigang krisis sa kalusugan, anim na buwan na ang nakalilipas.

‘Tinitingnan po tayo ng FIBA kung paano,” wika ni Marcial sa isang press conference.

“So ‘yung 3×3 at FIBA, parang gustong … ‘Pag naging successful tayo, baka gamitin po ang Clark.”

Ang FIBA 3×3 events ay nagpatuloy na sa Europe, at inanunsiyo rin ng organisasyon na ang continental competitions  nito, kabilang ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers — ay isasagawa sa bubble set-ups sa November 2020 at  February 2021.

Matspos ang anim na buwang pagkakahinto dahil sa pandemya, ang live sports ay unti-unting nagbabalik sa bansa.

Bukod sa PBA, nakatakda na ring simulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league ang President’s Cup nito, habang ang PSL ay nagpaplano ng beach volleyball tournament sa November.

Sa Cebu ay ikinasa ng Omega  Sports Promotions ng isang boxing card sa loob ng ‘bubble’ na may apat na fights na nakatakda sa October 7.

Comments are closed.