FOSHAN, China – Biyaheng Beijing na ang Gilas Pilipinas para sa classification phase ng FIBA World Cup.
Makakaharap nila ang perennial Asian rival Iran, gayundin ang Tunisia, na tinalo ang una sa group phase.
Ang classification phase ay magiging battleground upang matukoy ang top Asian team na direktang magkukuwalipika para sa 2020 Tokyo Olympics.
“We’re looking forward to playing teams that might be around our level of play,” wika ni Gilas head coach Yeng Guiao.
Umaasa si Guiao sa mas magandang performance ng kanyang tropa sa Chinese capital makaraang magtapos sa 0-3 sa group phase, kabilang ang dalawang blowouts laban sa European teams Serbia at Italy.
Ang Iran ay isang pamilyar na katunggali para sa Gilas, subalit mistulang mapanganib ito makaraang makipagpukpukan sa Spain noong Miyerkoles.
“We’re used to playing them, we know how to play them in Asia,”ani Guiao.
Kailangang maipanalo ng Gilas ang dalawang laro at umasa na matalo ang iba pang Asian teams upang makuha ang Olympic ticket, o mag-tapos sa top two ng kanilang grupo upang makapasok sa Olympic Qualifying Tournament.
“We also want to improve our ranking so whichever way we can, whichever possibility is achievable, then we’ll go for it,” sabi pa ni Guiao.
Comments are closed.