INIHAYAG ni Trade and Industry Secretary Fred Pascual ang mga programa ng kagawaran para sa kababaihang entrepreneurs sa Go Negosyo’s Women Entrepreneurship Summit 2023 na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay.
Kinilala ni Pascual ang kontribusyon ng kababaihan sa pag-unlad ng bansa at sa ekonomiya.
Habang nagbabago ang teknolohiya, at business landscape, mahalagang maiangkop dito ang kababaihang negosyante.
Nasa 313,608 mga negosyo sa Pilipinas ang pagmamay-ari o pinatatkbo ng kababaihan, bilang patunay na mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pag-abot sa pangarap ng bansa na masigla at matatag na ekonomiya.
“We at the Department of Trade and Industry consider it a priority to empower and support businesses, including micro, small, and medium enterprises that serve as the backbone of our economy. For women leaders of MSMEs as well as larger businesses, we have designed initiatives that will enable them to overcome and thrive amid barriers in their access to money, mentorship, and the market,” ani Pascual.
Dagdag pa nito:”We aim to level the playing field for women by enabling them to grow their businesses. Women entrepreneurs can be part of initiatives such as Rural Agro-Industrial Partnership for Inclusive Development (RAPID) Growth Project, She Trades Philippines, and Investing in Women in Asia.”
Bukod sa mga programang ito, nais din ng DTI na tulungan ang kababaihang entrepreneurs sa kanilang digital transformation, na isa sa mga prayoridad ng kagawaran.
Mahalaga aniya na makaangkop sa bagong teknolohiya habang papasok ang bansa sa new digital era.
Sa pamamagitan ng digitalization, mas malawak ang merkado na mararating ng MSMEs at makapapasok ng online marketplaces, mababawasan operational costs, at lalaki ang kita.
Bilang suporta sa MSMEs, ang DTI, sa pamamagitan ng kanilang financing arm—Small Business Corporation (SBCorp) ay magkakaloob ng mabilis na psg-utang na magaan ang terms o pagbabayad.
Sa kasalukuyan ay nasa 1 bilyong piso sa ilalim ng Bayanihan CARES na ang naipahiram. Bukod sa SBCorp mayroon ding ibang maaring mahiraman ng pera tulad ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso na kayang kaya ang interest rates at charges.
Layunin ng Go Negosyo Women Entrepreneurship Summit 2023 na maipakilala ang kababaihan sa mga pagbabago at teknolohiya, women in trade, inclusive businesses, at women’s leadership at human capital development.
Pinarangalan din ng Go Negosyo ang 18 kababaihan mula sa iba’t ibang grupo tulad ng inclusive business, young entrepreneur, woman innovator, woman enabler, most promising microenterprise, inspiring Filipina entrepreneur, public transport advocate, health and economy advocate, at woman of legacy.
The summit was also attended by First Lady Louise Araneta-Marcos, Ambassador Marykay Carlson from the United States Embassy, Go Negosyo Founder Mr. Joey Conception, and Parañaque Mayor Olivarez.