DINISPATSA ng VNS-One Alicia ang Army-Katinko, 25-20, 25-16, 26-28, 25-21, upang kumpletuhin ang Spikers’ Turf Open Conference semis cast kahapon sa Paco Arena.
Bumawi ang Griffins mula sa third-set meltdown upang putulin ang three-game losing skid at samahan ang PCJC-Navy, na sinibak ang Santa Rosa, 25-12, 25-11, 25-22, sa unang laro, ang unbeaten National University-Sta. Elena, at ang defending champion Cignal sa Final Four.
Nanguna si Ben San Andres para sa Griffins na may 19 points, kabilang ang anim na service aces, at 16 receptions, habang nagdagdag si Kevin Montemayor ng 15 points.
“Mga produkto ko ang mga batang iyan. Alam na alam kong magpe-perform sila,” sabi ni Griffins coach Ralph Ocampo.
Hataw si VNS middle blocker Kim Malabunga ng 4 blocks para sa 16-point outing.
Tinapos ng Sea Lions ang kanilang elimination round campaign na may 5-1 record.
Nanguna si Jao Umandal para sa PGJC-Navy na may 12 points, 7 receptions at 4 digs, nagtala si Greg Dolor ng 2 blocks upang tumapos din na may 12 points, habang gumawa si EJ Casaña ng 23 excellent sets.