Standings W L
NU 6 0
UST 4 2
DLSU 4 2
AdU 3 3
Ateneo 3 3
UP 3 3
FEU 1 5
UE 0 6
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – AdU vs UE
12 noon – UP vs NU
4 p.m. – Ateneo vs UST
6 p.m. – DLSU vs FEU
TATANGKAIN ng National University na walisin ang first round sa pagsagupa sa inaalat na University of the Philippines sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.
Ang dating best 6-1 first round runs ng Lady Bulldogs noong 2018 at 2013-14 ay naputol kung saan nawalan sila ng pagkakataong wakasan ang mahabang title drought.
May nakasalansang line-up sa bawat posisyon na hindi nakita sa kanilang mga naunang kampanya, ang NU ay pinapaborang makuha ang unang championship nito magmula noong 1956.
Target ang ika-7 sunod na panalo, ang Lady Bulldogs ay liyamado sa kanilang 12 noon duel ng Fighting Maroons.
Sa iba pang laro, magsasalpukan ang 2019 Finals protagonists Ateneo at University of Santo Tomas sa alas-4 ng hapon, habang maghaharap ang La Salle at Far Eastern University sa alas-6 ng gabi.
Magtutuos ang Adamson at ang wala pang panalong University of the East sa 10 a.m. curtain raiser.