FOI PANLABAN SA FAKE NEWS

Rep Carlos Isagani Zarate

HINIMOK  ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Kongreso na aprubahan na ang Freedom of Information Bill.

Ang nasabing suhes­tiyon na ipasa na ang FOI Bill ay kasunod ng lumabas na SWS survey kung saan 67% ng mga Filipino internet users ay naniniwalang seryoso na ang problema sa fake news sa bansa.

Ayon kay Zarate, magandang development na nakikita na ng mga Filipino ang `danger` sa `fake news` at umaasa siyang mas magiging critical at analytic ang publiko sa mga nangyayari sa bansa.

Makatutulong ang FOI Bill para labanan ang fake news at maiwasan na ang paglaganap ng mga maling impormasyon.

Nababahala naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na makaaapekto sa demokrasya ang paglaganap ng `fake news` dahil nagagamit ito sa mga propaganda.

Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, magsilbi na sanang wake-up call ang resulta ng survey sa `fake news` para ayusin ang polisiya at disclosure ng mga impormasyon mula sa gob­yerno. CONDE BATAC

Comments are closed.