FOOD SUPPLEMENT PARA MAKAIWAS SA COVID-19 NA-ACQUIRE NG STADA

Fern-C

MAKATI CITY – INA­ASAHANG mapapalakas ang sales force ng FERN-C, ang kilalang food supplement at sodium ascorbate sa bansa makaraang i-acquire ito ng STADA Philippines.

Kamakailan ay inanunsiyo ni STADA Philippines General Manager Sharmaine Abarientos na sila na ang tututok para palakasin ang consumer healthcare platform para sa paglulunsad ng may kalidad na gamot at food supplement para sa mga Filipino.

Dahil sa development na may kaugnayan sa sales at kalidad ng nasabing food supplement na isang sodium ascorbatem umaasa si STADA Chief Executive Officer Peter Goldschmidt na lalago ang sales ng FERN-C.

“The acquisition of FERN-C wil help us to execute our growth ambitions in the Philippines,” ayon kay Goldschmidt.

Samantala, malaki ang tulong ng pag-inom ng nasabing food supplement upang mapalakas ang immune system upang labanan ang mga sakit partikular ang kontrobersiyal na novel co­ronavirus na ngayon ay tinawag na COVID-19 (coronavirus disease).

Bukod sa nasabing virus, tumutulong din ang sodium ascorbate para maiwasan ang pag-develop ng iba pang sakit gaya ng pneumonia.

Paalala rin ng STADA, walang nao-overdose sa Vitamin C at nararapat din na i-take ito nang may gabay ng mga dalubhasa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.