FOREIGNERS MAAARI NA MAG-APPLY NG WORKING VISA ABROAD

VISA-2

PUWEDE ng mag-apply ang mga dayuhang papasok sa Filipinas ng working visa sa kani-kanilang bansa.

Ito ang naging pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente matapos na aprubahan ang Joint memorandum circular on the Rules and Procedures Governing Foreign Nationals hinggil sa mga nagnanais magtrabaho sa bansa.

Sa nasabing rules, papayagan na ng pamahalaan ang mga dayuhan na direktang mag- apply ng kanila working visa.

Sa mga naunang proseso, nabatid na makakakuha ang mga dayuhan ng working visa sa pamamagitan ng pag-convert o conversion ng kanilang mga “tourist visa to working visa”  bago makapasok ng trabaho dito sa Pinas.

Ayon kay Morente, bilang isang miyembro ng Inter-Agency Task Force pagdating sa Employment ng Foreign Nationals, nais ng kanilang grupo na kinabibilangan ng BI, Bureau of Internal Revenue (BIR), at Department of Labor and Employment (DOLE) na maisaayos ang guidelines sa pagtanggap ng mga dayuhan sa bansa.

Isa sa tinitingnan ng grupo, ang ma-harmonize ang policy o guidelines pagdating sa pag-iisyu ng mga dokumento para sa mga foreign worker at makasiguro na magbabayad ng tamang buwis ang mga ito.

Dagdag pa ni Morente, ang mga dayuhan na lumabag o ipagwalang bahala ang naturang alituntunin ay agad na ipade-deport sa lalong madaling panahon upang hindi gayahin ng mga iba pang foreigner . FROILAN MORALLOS

Comments are closed.