Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Fernando Poe, Jr kahit pa hindi ko siya inabutan, e gabi-gabi, may palabas siya sa Kapamilya Channel. Huwag na nga ‘yung FPJs Ang Probinsyano na tumagal ng anim na taon sa ere. Dito na lang tayo sa FPJs Batang Quiapo na kahit napakabagal ng takbo ng istorya, bidang bida pa rin.
Kilalanin po natin s FPJ at alamin kung bakit siya tinawag na Da King.
Panganay sa magkakapatid si FPJ na ang tunay na pangalan ay Ronald Allan Kelley Poe. Anak siya sa ikalawang asawa ni Fernando Poe Sr., — isa ring sikat na artista noong kanyang kapanahunan, sa isang American na nagngangalang Elizabeth Kelly.
Isinilang si FPJ noong August 20, 1939. Actually, pinakasalan ni Fernando Sr si Elizabeth matapos ipanganak si FPJ. Hindi rin Poe ang kanilang tunay na apelyido kundi Pou. Ang tunay na pangalan ng kanyang ama ay Allan Fernando Reyes Pou, na hindi bagay na screen name ng isang artista. Minsan, may nagkamali ng spelling sa pagsusulat ng Pou kung saan Ang ‘u’ ay naging ‘e.’ Mula noon, Ang Pou ay naging Poe.
Si FPJ ang nag-iisang “King of Philippine Movies” o Da King for short. Tinanghal siyang National Artist of the Philippines for Film noong May 23, 2006 sa panahon ng pamumuno ni President Gloria Macapagal-Arroyo at kinumpirma naman ni President Benigno Aquino III noong July 20, 2012. Namatay siya sa aneurysm noong December 14, 2004 pitong buwan matapos matalo sa pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.
Hindi siya ang totoong junior ni Fernando Senior kundi ang kanyang nakababatang kapatid na si Andy. Ginamit niya ang FPJ dahil sikat na ang pangalang ito. Namatay ang kanyang ama dahil sa kagat ng aso noong 15 years old pa lamang siya, at dahil panganay, kinailangan niyang huminto sa pag-aaral para mag-artista upang masuportahan ang pamilya.
Hindi lamang siya sikat na artista. Naging direktor din siya at script writer. Ronwaldo Reyes ang ginamit niyang pangalan dito mula sa tunay niyang pangalang Ronald at ang Reyes naman ay middle name ng kanyang ama.
Best friends sila ni former Philippine President Joseph Estrada.
Leanne Martin