(French boxer KO) DONAIRE WORLD CHAMP ULIT

Donaire vs Oubaali

BALIK sa pagiging world champion si Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Ito ay makaraang gapiin ni Donaire si Nordine Oubaali  ng France via fourth round stoppage at angkinin ang WBC bantamweight championship sa Dignity Health Sports Park stadium sa Carson, California noong Sabado (Linggo sa Manila).

Tatlong beses na pinabagsak ng 38-anyos na si Donaire ang dating walang talong si Oubaali — dalawang beses sa third round at isa pa sa fourth, kung saan inihinto na ng referee ang laban.

Si Donaire ang pinakamatandang boksingero na nagwagi ng bantamweight title.

“I believe that it matters not what your age is. It matters how you are mentally, how strong you are mentally,” pahayag ni Donaire matapos ang panalo.

Ito ang unang pagkakataon na napabagsak ang French boxer sa kanyang professional career.

Umangat si Donaire sa 41-6. Ito ang kanyang unang laban sa loob ng mahigit isang taon kung saan huli siyang sumabak noong November 2019 nang matalo siya kay Naoya Inoue ng Japan sa finals ng World Boxing Super Series.

Nalasap naman ni Oubaali ang unang kabiguan sa 18 professional matches.

14 thoughts on “(French boxer KO) DONAIRE WORLD CHAMP ULIT”

  1. 530957 457918Most reliable human being messages, nicely toasts. are already provided gradually during the entire wedding celebration and therefore are anticipated to be very laid back, humorous and as properly as new all at once. finest man speech 782456

Comments are closed.