Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – GlobalPort vs Columbian
7 p.m. – TNT vs Meralco
PAKAY ng Meralco na kunin ang solong ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa sister team at fellow quarterfinalist Talk ‘N Text, habang bubuhayin ng GlobalPort ang kanilang kampanya laban sa Columbian sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.
Hawak ang second best record 7-2 kasosyo ang Alaska, sasagupain ng Bolts ang Tropang Texters sa main game sa alas-7 ng gabi, matapos ang bakbakan ng Batang Pier at Dyip sa alas-4:30 ng hapon.
Dahil ang import ang nagdadala sa koponan, tiyak na magsusukatan ng lakas sina Meralco import Arinse Onuako at TNT counterpart Joshua Smith, katuwang ang kanilang local teammates.
Makakatulong ni Onuako sina Chris Newsome, Amer Baser, Jeff Hodge, Jared Dillinger, Reynel Hugna-tan at dating TNT Ranidel de Ocampo laban sa tropa ni coach Nash Racela na sina Troy Rosario, Roger Pogoy, Jayson Castro, Ryan Reyes, Kelly William at Harvey Carey.
Mataas ang morale ng Meralco matapos ang panalo laban sa Alaska.
Determinado naman ang TNT na kunin ang laro at iwaksi sa kanilang isipan ang 94-99 kabiguan sa reign-ing Philippine Cup champion San Miguel Beer noong Hunyo 16 sa Mall of Asia Arena.
Bagama’t natalo sa Phoenix, pinapaboran ang GlobalPort kontra Columbian, na yumuko sa Ginebra noong Miyerkoles.
Samantala, nakasalalay sa mga kamay ni import Malcolm White ang panalo ng Batang Pier, katuwang sina ace gunner Stanley Pringle, Nikko Elorde, Kelly Nabong, Bradwyn Guinto, Sean Anthony at Ryan Arana.
“We have to win this game at all cost to bolster our quarterfinal bid and erase the embarrassing loss to Phoenix,” wika nj coach Pido Jarencio.
Apat na koponan na ang nakapasok sa quarterfinals – Rain or Shine, Meralco, Alaska at TNT. Kumakatok naman sa susunod na round ang GlobalPort, Magnolia, Phoenix at Barangay -Ginebra. CLYDE MARIANO
Comments are closed.