Mga laro sa
Miyerkoles:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – NorthPort vs TNT
7 p.m. – Rain or Shine vs Phoenix
MAGAAN na dinispatsa ng Meralco ang Phoenix, 111-94, sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa panalo ay umangat ang Bolts sa 3-1 kartada habang nabaon ang Fuel Masters sa 1-3.
Umabante ang Bolts sa 64-43 sa undergoal shot ni Raymond Almazan matapos na sumablay ang dalawang free throws ni Filipino-Canadian Matthew Wainwright tungo sa lopsided na panalo.
Nagbuhos si Baser Ameer ng 26 points, 4 assists at 4 steals at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.
“Maganda ang nilaro namin. Nagtulungan kami para manalo at lumakas ang title campaign namin,” sabi ni Ameer.
Nalasap ng Meralco ang ika-3 kabiguan na wala si coach Louie Alas matapos itong mapatalsik sa laro sa huling pitong minuto at 31 segundo ng second period kung saan abante ang Meralco sa 32-25. Ginampanan ni assistant coach Topek Robinson ang tungkuling iniwan n Alas.
Subalit bigo si Robinson, dating PBA player at coach ni top rookie CJ Perez sa Lyceum sa NCAA, na isalba ang laro.
Hindi napigilan ni Alas na magsalita laban sa mga referee na inakusahan niyang hindi consistent sa officiating. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (111) – Durham 27, Amer 26, Quinto 14, Almazan 14, Newsome 13, Faundo 8, Pinto 6, Canaleta 3, Jackson 0, Salva 0, Tolomia 0, Caram 0, Hugnatan 0, Jamito 0.
Phoenix (94) – Phelps 31, Jazul 11, Garcia 10, Dennison 8, Gamboa 6, Chua 6, Perkins 4, Marcelo 4, Mallari 4, Wright 4, Napoles 3, Guevar-ra 3, Kramer 0.
QS: 28-16, 52-37, 80-61, 111-94.
Comments are closed.