FUEL, RAW MATERIAL COSTS DRIVING COMMODITY PRICES HIGHER – DTI

UMAKYAT ang presyo ng mga pangunahing bilihin ng “halos piso” nitong nagdaang linggo, na nagpapakita ng mataas na halaga ng krudo at raw materials, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan.

Ang presyo ng langis na umakyat ng dalawang beses sa magkasunod na dalawang linggo, ay nagdulot ng distribusyon sa pa­ngunahing bilihin ng 33 porsiyento, ayon kay DTI Undersecretary for consumer protection Ruth Castelo sa isang panayam.

“Distribution accounts for 5 percent of the total cost of goods,” aniya.

Binabantayan ng DTI ang takbo ng presyo ng pangunahing mga bilihin kasama ang mga de lata, mineral water, kape at gatas.

Mataas na gastos sa paper prices ang nagtulak sa pag-akyat ng raw materials, matapos ng crackdown ng China’s pollution na nagresulta sa pagsasara ng malalaking factories.

Ang Philippines’ tax reform law, na nagtaas ng buwis sa krudo ang nagpaalsa sa presyo ng bilihin ng 4 hanggang 25 centavos mula nang magsimula ito noong nagdaang Enero 1, dagdag pa ni Castelo.

Comments are closed.