FUND RAISING NI DREW ARELLANO SUPORTADO NG KAPWA ARTISTA

DREW ARELLANO

NAKATUTUWANG-isipin na sa panahon ng krisis ay buhay na buhay ang espiritu ng bayanihan.The point

Sa local celebrities, kanya-kanya rin sila ng mga proyekto para matulungan hindi lang ang mga frontliner kundi pati displaced workers na apektado ng lockdown dala ng Covid pandemic.

Sa kaso ng ‘Biyahe ni Drew’ at ‘AHA!’ host na si Drew Arellano, unique ang naisip niyang online charity event.

Tinawag niya itong “Drew’s Closet” na ang layunin ay maka-likom ng pondo sa pamamagitan ng pagpapa-auction ng  pre-loved items thru Facebook Live.

Ang proceeds ng subasta ay mapupunta sa charity na tumu-tulong sa mga taong apektado ng COVID-19.

Masayang-masaya si Drew dahil suportado ang kanyang proyekto ng kanyang mga kaibigan at kapwa artista.

Sa unang episode nito, ang actor at triathlete na si Matteo Gudicelli ang naka-join ng Kapuso star sa pagbebenta ng iba’t-ibang items na karamihan ay triathlon memorabilia na patok sa netizens.

Sa ikalawang episode naman, ang kaibigan at kapwa motor-cycle enthusiast na si Jericho Rosales ang nakasama niya.

Ilan sa mga item na ipinasubasta ay motorcycle gear na kasama sa personal na koleksyon ni Jericho.

 

SCRIPT READING NI NADINE LUSTRE  MARAMING NADIS-MAYA, NAKULANGAN

NAPATUNAYAN ang pagiging magaling na aktres ni Nadine Lustre sa mga pelikulang Never Not Love You at Ulan.Nadine Lustre

Katunayan, may mga nagsasabi noong may lalim ang kanyang acting at puwede siyang maging heir apparent kay Vilma Santos.

Pero,  marami ang nadismaya sa kanyang script reading ng kanyang interpretasyon ng Elsa ni La Aunor sa online show na Gabi ng Himala.

Kinabog daw siya nina Marian Rivera, Jodi Sta.Maria, Iyah Mina at Maja Salvador sa mga bersyon nito ng pagbuhay sa iconic character na Elsa sa Himala ni Ishmael Bernal.

Lumalabas tuloy na hindi kumportable si Nadine sa larangan ng teatro.

Comments are closed.