GAB KUMILOS VS ILLEGAL OTB

OTB

MULING kumilos ang Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling Division, sa pakikipagtulungan ng Manila Police District (MPD) Special Operation Unit, nitong Biyernes sa Sampaloc, Manila na nagresulta sa pagkalansag ng illegal Off-Track Betting (OTB).

Matapos ang masinsin na surveillance bunsod ng mga sumbong mula sa concerned citizen, umaksiyon ang GAB-AIGU, sa pamumuno ni SGI-2 Glenn Pe at operatiba ng MPD, na kinabibilangan nina PSSgt. Ronnine Bandong, PCpl. Lourenz Gorgon, Pat. Aaron John Joves at Pcpl. Wilson Dimzon at sinalakay ang OTB sa kanto ng Blumentrit at Fajardo Sts.

Naaktuhan na nagsasagawa ng ilegal na aktibidad at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Melody Santon, 30, at Eduardo Velasquez, 33. Nakuha sa kanilang ang iba’t ibang kagamitan sa ilegal na gawain.

“Mas pinaigting po natin ang operasyon ngayong pandemic para na rin mailigtas ang ating mga kababayan na patuloy na lumalabag sa pandemic protocol dahil dito sa mga OTB. Hindi po tayo titigil hanggang naglilipana ang mga ito,” sambit ni Pe.

Iginiit ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na imbes na tumambay at tumangkilik sa mga illegal OTB, gamitin na lamang ang legal na online horseracing apps kung saan ligtas na makalalahok ang lahat at mas makatutulong sa pamahalaan na patuloy na nangangalap ng pondo para labanan ang pandemya. EDWIN ROLLON

5 thoughts on “GAB KUMILOS VS ILLEGAL OTB”

Comments are closed.