Ito ang napagkasunduan sa ginanap na Cabinet meeting kahapon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa press conference sa Malakanyang, sinabi ni Presidente Marcos na tuloy ang fuel subsidy sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“We just discussed that we are going to try not only to continue the fuel subsidies for the transport sector but to expand it to include the tricycles, which up to now have not been included” sabi pa ng Pangulo.
Katunayan, sinabi ni Marcos na isasama na sa ayuda ang mga tricycle driver.
“And so we talked about in the Cabinet meeting, we talked about the funding, where it can come from and how we are going to manage the — how we are going to manage the funding for the additional fuel subsidies” dagdag pa ng Pangulo.
Sa ngayon, aniya, ay mayroon pang sapat na pondo para sa taong ito subalit kailangang mahanapan ng pondo upang maipagpatuloy pa ito.
Tinatayang nasa mahigit 330,000 operators at drrivers ng jeep, bus, UV Express, TNVS, at delivery services na may lehitimong prangkisa ang makatatanggap ng tig-P6,000 ayuda.