GAME 1 (Lady Eagles-Tigresses titular showdown simula na)

volleyball

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

12 noon – NU vs FEU (Men Finals)

4 p.m. – UST vs Ateneo (Women Finals)

BINUOD ni coach Oliver Almadro ang ­maaaring ipakita ng ­Ateneo laban sa University of Santo Tomas sa kanilang kauna-unahang pagtatagpo sa Finals.

“We will give them a beautiful game, ‘yun ang samin,” wika ni Almadro.

Umaasa ang Lady Eagles na maisasakatuparan ang pagiging ‘heavy favorites’ sa pagsagupa sa Tigresses sa opener ng UAAP Season 81 women’s volleyball championship ngayong alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Winalis ng Ateneo ang UST sa kanilang elimination round head-to-head ngayong season at nanalo ng 14 na sunod sa nakalipas na pitong taon.

Sa kabila nito ay ayaw magkumpiyansa ni Almadro dahil batid niyang sasalang ang Tigresses sa championship na puno ng kumpiyansa sa likod ng six-game winning streak.

“Alam naman natin sa umpisa pa lang ‘yung firepower ng UST. Tapos they are well-rested, so ‘yun ang advantage,” wika ni Almadro, na nagtatangka sa kanyang unang titulo bilang women’s coach ng Ateneo makaraan ang matagumpay na tatlong sunod na kampeonato sa men’s side.

Bagama’t nangaila­ngan lamang ang ­Tigresses ng isang laro para hubaran ng korona ang De La Salle, nalusutan ng Lady Eagles ang matikas na pakikihamok ng Far Eastern University sa isa pang Final Four pairing  upang makabalik sa finals.

Comments are closed.