NANGAKO si Presidente Rodrigo Duterte na babalikatin nila ang gastusin sa hotel accommodation ng mga returning overseas Filipinos sa Cebu.
Aniya, ang pondo ay kukunin sa natitirang pondo ng Bayanihan.
Batay sa kautusan ng Inter-Agency Task Force, ang umuwing OFWs ay kailangang sumailalim sa
10-day quarantine sa Cebu province.
Dahil dito iniutos ng Pangulo na mag-stay sa hotel para sa kuwarantina ang umuwing OFWs at sagot ng pamahalaan.
“It behooves upon the government to pay for the sequestration expenses of the – the every returning Filipinos…so, I am ordering now everbody, including the government units, place them in a hotel, the national government will pay,” utos ng Pangulong Duterte.
Iba naman ang ordinansa ng Cebu local government, mayroon silang quarantine and testing protocols para sa overseas Filipino workers at iba pang returning overseas Filipinos na dumaan sa Mactan-Cebu International Airport.
Sa kanilang pagdating ay agad sila isa-swab at kapag negatibo ay uulitin sa ikapitong araw sa kanilang local destinations na sagot ng local governments.
Gayunman, iginit ng Pangulo na dapat sumunod ang Cebu sa protocols na itinakda ng IATF.
Una nang sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, na ayaw na nilang pagastusin pa ang returning Filipinos sa pamamalagi sa quarantine facilities gastos ang sariling pera.
Sa kasalukuyan, ang OFWs na miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration ang sagot ng pamahalaan sa accommodation and food habang nasa quarantine. EVELYN QUIROZ
207205 652595This website is generally a walk-through you discover the information it suited you about it and didnt know who require to. Glimpse here, and you will certainly discover it. 847655
496032 141148Stay up the good work! 49872
387694 488226I gotta favorite this site it seems handy very helpful 78622
817411 389671Wonderful process! 716800