GAWA TAYO NG CHOCOLATE CANDIES FROM SCRATCH

chocolate

CHOCOLATE lover po ang ka­ramihan sa atin. I for one, kaya kong umubos ng isang malaking bar ng chocolate sa isang upuan, pero napakamahal namang indulgence nito, kaya isang araw, naisipan kong mag-eksperimento. Kailangang makagawa ako ng choco­late candy na kalasa ng paborito kong Cadbury’s fruit and nuts. At voila! Nakagawa po ang inyong lingkod. Heto po ang mga kakailanganin:

Tunawin po natin ang butter/margarine para magkaroon tayo ng ½ cup. Salain ang kalaha­ting tasang cocoa po­wder at isama ito sa butter. Haluing mabuti. Isama rin ang kalahating tasa ng puting asukal at haluin pa ring mabuti hanggang matunaw ito. Kapag nahalo nang mabuti, isama na ang mga nuts at raisins. Pwede pong almonds, pero dahil mahal ang almonds, kahit peanuts na lang. Dahil nagtitipid po ako, at from scratch nga ang chocolate candy natin, bumili lang ako ng dalawang tigpipisong salted peanuts sa katabi naming tindahan. Hinugasan ko po yung mani ng isang beses para mabawasan ang alat.

Haluin po uli ang mixture, at simulan na po nating lutuin sa double boiler sa mahinang apoy para hindi masunog.

Dahil wala po ka­ming double boiler, nagpakulo po ako ng tubig sa isang kaserola at habang kumukulo ito, ipinatong namin ang medyo maliit na kaserola sa ibabaw nito. Kapag natunaw na ang sugar granules, pwede na pong isalin sa chocolate molder.

Medyo mahal po kasi ang silicone chocolate molder kaya nag-improvised na lang po kami. Bumili po kami ng maliliit na macaroon paper cups at doon namin ibinuhos ang chocolate mixture, kaya hindi po chocolate bars ang aming nagawa kundi chocolate balls na parang Ferrero Rocher balls na lasang Cadburry’s.

chocolatePalamigin po ito ng limang minute at pagkatapos at patigasin sa refrige­rator.

Dark chocolate po ang kalalabasan nito, pero kung gusto po ninyong maglasang milk chocolate, dagdagan po natin ito ng kalahating tasang powdered milk. Kahit po anong brand ng powdered milk, pwede. Pwede rin po ang skim milk para mas mura. Haluin lamang itong mabuti, at pag­katapos ay isalang na sa double boiler.Tandaan po lamang na dapat ay pagsama-samahin muna ang lahat ng ingredients bago isalang sa apoy. Dapat din po ay kumukulo na ang tubig bago ipatong ang kaserolang paglulutuan.

Kung gusto po ninyo itong ibenta, pwede po tayong magdagdag ng extender na harina. Pero bago po ito gawin, lutuin po muna natin ang kalahating tasang harina sa kawali hanggang maging golden brown ito. Set aside po muna hanggang sa maluto ang chocolate. Kapag luto na po ang chocolate, unti-unting isama dito ang harina at haluing mabuti. Dagdagan po natin ng ¼ cup na melted butter ang ating chocolate, at ipagpatuloy ang paghalo. Sa pagkakataong ito, pwede nating gamitin ang polvoron molder para makagawa ng candies. Pwede rin pong gumawa ng chocolate molder na sinlaki ng chocolate bar mula sa karton. Kapag naiporma na po natin ang ating tsokolate, palamigin ito sa refrigerator ng isang oras para tumigas. Ang butter po ang magsisilbing binder ng ating chocolate candy.

Magkaiba po ang hitsura at lasa ng tatlong chocolates na ating nagawa. Yung walang gatas at harina ay pure chocolate na medyo may pait ng tsokolate, pero makinis at magandang tingnan. Yung milk chocolate na walang harina ay makinis rin ngunit mas light ang kulay sa dark chocolate dahil sa gatas. Yung may extend-er na harina ay medyo magaspang ngunit masarap din. Kalasa siya ng choc-nut, pero para sa akin, mas masarap pa siya. Favorite ko po kasi ang choc-nut noong bata pa ako.

Para sa costing, heto po ang nagastos natin. P10 para sa margarine, P10 sa chocolate powder, P10 sa pasas, P2 sa peanuts, P6 sa asukal, at P5 sa harina. Lahat-lahat, umabot sa P43 ang aming nagastos, hindi pa kasali ang pambalot.

By the way, manipis na aluminum foil po ang aming ginamit na ang presyo ay P14 para sa 5 meters, Syempre po, may natira pa na pwede uling gamitin pag gumawa kayo uli ng chocolates.

Nakagawa po kami ng isang bar ng dark chocolate, isang bar ng milk chocolate at dalawang bars ng milk chocolate na may extender. Syempre po, iba-iba ang presyo nito. Pinakamahal ang milk chocolate, at pinakamura ang may extender. Pinresyuhan po namin ang dark chocolate ng P25, P30 sa milk chocolate, at P20 naman ang may extender, pero pwede po ninyo itong taasan dahil hindi po kayo mapapahiya sa lasa.

O, hayan po, kung mahilig kayo sa chocolates, heto na ang pagkakataon ninyo para i-treat ang sarili ninyo sa murang halaga lamang, at pwede a ninyong pagkakitaan. – NV

8 thoughts on “GAWA TAYO NG CHOCOLATE CANDIES FROM SCRATCH”

  1. 962597 325627Identified your weblog and decided to have a study on it, not what I normally do, but this weblog is wonderful. Awesome to see a web site thats not spammed, and really makes some sense. Anyway, excellent write up. 980082

  2. 889861 757716I like the valuable information you provide within your articles. Ill bookmark your weblog and check once again here regularly. Im quite certain Ill learn lots of new stuff correct here! Finest of luck for the next! 525910

  3. 215610 809035It is truly a great and beneficial piece of info. Im pleased that you just shared this helpful information with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 721059

Comments are closed.