GAWING NEGOSYO ANG WOODWORK HOBBY

Tulad ng lagi naming sinasabi namin sa inyo, mas madaling gawing negosyo ang mga bagay na gustong gusto mong gawin. Kasi, simula pa lamang ay naroon na ang passion. In other words, kung sa simula ay hindi ka magtagumpay, hindi mo ito basta-basta susukuan dahil gusto mo nga ito.

Isang hobby na pwedeng pagkakitaan ay ang pagiging woodworker, kaya lang, kailangang may talent ka dito. Dapat, may passion ka for crafting beautiful furniture o anumang maliliit na bagay na gawa sa kahoy. Halimbawa, picture frame o bangkito o kahit pa stool, o kahit sangkalan na lang – na sa palagay mo ay magugustuhan ng mamimili dahil sa kakaibang disenyo.

Simulan ito sa paghahanap ng mabibilhan ng scrap wood at ng lugar kung saan ito ibebenta. Hindi kailangang lalaki  ka para gawin ito dahil may mga madadali nang paraan sa paggawa ng woodwork. Pero syempr e, ang basic tools ay maliit na lagare at isang martilyo.

Ang inyo pong lingkod ay medyo tamad kaya dinagdagan ko ang aking tools ng screwdriver at spray paint. Para kasi sa akin, mas praktikal na gamitin ang turnilyo sa pagkakabit ng mga parte ng woodwork para mas madaling kalasin sakaling magsawa ka na.

Bilang hobby, gumagawa po ako ng maliliit na study tables na ibinibenta ko ng P250 bawat isa. Ang sukat po nito ay 1 x 2 feet at may taas na 2.5 feet. Sa gastos, bumili po ako ng 2 kilos na kahoy, 15 pcs ng turnilyo at isang white spray paint. Lahat-lahat, umabot ang gastos ko sa P220, ngunit may natira pa sa kahoy at sa pintura kaya more or less, P180 lamang ang nagastos ko.

Magagamit ang pintura ng apat nab eses at ang spray paint at nagkakahalaga lamang ng P77. Gawin na nating P20 bawat gamit para hindi mahirap magkwenta. P50 per kilo ang scrap wood at ang 15 pieces na turnilyo ay ilagay na lang natin sa P30. Huwag na kayong kumuha ng made-to-order na woodwork kung hindi pa kayo gaanong sanay. Basta kung saan kayo mahusay, iyon ang ibenta ninyo. Better yet, mabenta po talaga ang maliliit na study tables. KAYE NEBRE MARTIN