GEORGE BINITBIT ANG THUNDER VS BUCKS

Paul George

KUMANA si Paul George ng season-high eight 3-pointers at umiskor ng 36 points upang pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 118-112 home win laban sa Milwaukee Bucks noong Linggo.

Naitala ng Thunder ang ika-5 sunod na panalo, kung saan winalis nila ang kanilang three-game homestand na kinabila­ngan din ng panalo laban sa New Orleans at Portland. Ang pagkatalo ay pumutol naman sa six-game winning streak ng Milwaukee.

Humataw si Russell Westbrook ng triple-double sa lahat ng tatlong laro sa homestand, tumapos na may 13 points, 13 rebounds at 11 assists. Anim na  Thunder players ang umiskor ng double figures.

Tumipa si Giannis Antetokounmpo ng 27 points at 18 rebounds upang pangunahan ang Milwaukee, habang nag­dagdag si Khris Middleton ng  22 points.

RAPTORS 123, MAVERICKS 120

Nagsalpak ang Toronto ng 17 3-pointers at gumawa si Kawhi Leonard ng  33 points upang malusutan ang triple-double ni rookie sensation Lu-ka Doncic nang igupo ang host Dallas.

Tumapos si Doncic na may career-best 35 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikalawang triple-double sa season. Sa edad na 19, si Doncic ay naging unang teenager sa kasaysayan ng NBA na may 30-point triple-double. Si  LeBron James ang pinakabata sa edad na 20 years, 100 days, noong 2005.

ROCKETS 103, MAGIC 93

Naipasok ni James Harden ang kanyang ­unang 3-pointer sa se­cond half, may 75 segundo ang nalalabi, nang gapiin ng host Houston ang Orlando.

Kumabig si Harden ng 40 points, 11 rebounds, 6 assists at 3 blocks. Ito ang kanyang ika-23 sunod na laro na may 30-plus points. Tumipa si ­Houston’s Chris Pau ng 12 points at 6 assists sa kanyang pagbabalik mula sa 17-game absence dahil sa hamstring injury.

Sa iba pang laro ay pinayuko ng Clippers ang Kings, 122-108;  pinaamo ng Jazz ang Timberwolves, 125-111; hiniya ng Spurs ang Wizards, 132-119; pinalubog ng Lakers ang Suns, 116-102;  giniba ng Cavaliers ang Bulls, 104-101; at pinaso ng Heat ang Knicks, 106-97.

Comments are closed.