GILAS ‘DI DADALO SA SEAG OPENING CEREMONY

gilas

HUMINGI ng permiso ang Philippine men’s national basketball team na hindi dumalo sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games sa Sabado, ­Nobyembre 30.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach Tim Cone, nais ng koponan na magpraktis sa nasabing araw sa halip na magtungo sa Philippine Arena para sa opening ceremonies, kasama ang iba pang Filipino athletes.

“I understand we will not be in the opening. We’re not gonna be in the opening,” wika ni Cone at sinabing siya ang humi­ling na i-excuse ang Gilas players sa okasyon.

“All the athletes in the games have had a year or more to prepare for this tournament, for the SEA Games, and we basically have a week,” aniya. “And we cannot afford to have less time off our practice.”

Para kay Cone, mas makabubuting igugol na lamang nila sa pag-eensayo ang oras sa pagbiyahe sa Bocaue, Bulacan upang lumahok sa opening ceremonies.

Comments are closed.