GILAS LINE UP SA SEAG BUO NA

Gilas

KUMPLETO na ang roster ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Sa final line up na opisyal na ipinalabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon ng umaga, ang mga sasabak para sa Filipinas ay sina Kiefer Ravena, Christian Standhardinger, June Mar Fajardo, Roger Pogoy, Troy Rosario,  Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Chris Ross, L.A Tenorio at Matthew Wright.

Nawala sa roster sina Barangay Ginebra players Greg Slaughter, Scottie Thompson at Art dela Cruz.

Si Tim Cone ang gagabay sa koponan habang itinalaga naman bilang team adviser si Alfrancis Chua.

Unang makakasagupa ng Gilas ang Singapore sa Disyembre 4 na susundan ng Vietnam at Myanmar sa Disyembre 6 at 7.