MAG-IISANG taon na ang relasyon nina Glaiza de Castro at ng Irish boyfriend niyang si David Rainey.
Gayunpaman, noong Enero lang niya ipinakilala nang pormal sa social media ang kanyang nobyo.
Sey niya, naghintay lang daw siya ng tamang panahon para sabihin ito pero, noon pa raw naman ay sigurado na siyang lab niya ito.
Masasabing long distance ang kanilang relationship at aminado siyang hirap sa kanilang set-up, pero nasanay na rin daw siya rito.
“Being in a long distance relationship is a challenge. Mahirap siyang factor. Pero ako naman, may mga ways sa social media pero at times talagang nakaka-frustrate rin. I’m just grateful dahil iyong tao na naka-LDR ko, iyong partner ko ay sobrang patient. Doon ko nakitaan na parang kapag nasa relasyon ka, kapag gusto mong mag-work, gagawa at gagawa ka ng paraan. Never kong na-imagine na gagawin ko rin sa isang tao iyong ginagawa niya sa akin,” pahayag niya.
“Dumating pa kami sa point na nagsusulatan kami para lang ma-sustain iyong relationship. Sobrang old fashioned siya pero sobrang naa-appreciate ko iyon. Isa iyon sa mga factors na nasabi ko na, ‘grabe itong taong ito,’ iyong patience niya na nai-imbibe ko rin,” dugtong niya.
Balik sa pagbibida ang magaling na aktres na si Glaiza de Castro sa pelikulang “My Letters to Happy” kung saan ginagampanan niya ang role na masayahing tao sa unang tingin pero may itinatago palang karga o baggage sa kanyang buhay.
Sey pa niya, na-miss niya ang paggawa ng love story at sobra siyang nakaka-relate sa kanyang role sa pelikulang ito.
“I have learned so much about the things you need to compromise, work on at iyong dapat mong i-accept sa isang relationship,” aniya. “Kasi itong pelikulang ito deals not only with the ups and downs of a relationship but also iyong challenges ng isang relasyon na hindi naman laging makulay,” dugtong niya.
Pagbubunyag pa niya, na-inspire rin daw siya sa paggawa ng pelikula dahil sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig.
Si Glaiza ay kasalukuyang nasa London para mag-aral ng music production sa loob ng tatlong buwan.
Plano rin niyang i-explore ang iba pang lugar sa Europa tulad ng Paris at Spain habang naroon siya at nag-aaral.
Kabituin ni Glaiza sa “My Letters to Happy” sina TJ Trinidad, Allysa Valdez, Juan Miguel Severo, Benj Manalo, Teetin Villanueva, at Odette Khan.