NAKAHANDA ang pamahalaan na magbenta ng mga ari-arian para pon- dohan ang pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan ay wala pang lunas o bakuna para sa coronavirus, na kumitil na sa buhay ng halos 1,300 katao sa Filipinas.
“Basta po mayroon nang gamot diyan sa COVID-19. Basta may bakuna, ibebenta natin lahat ng ari-arian ng gobyerno para makabili po tayo para sa ating mga kababayan,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang televised briefing nang tanungin hinggil sa COVID-19 vaccine strategy ng gobyerno.
“Iyan po ang paninindigan ni Presidente – buhay muna bago ari-arian.”
Noong Abril ay sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na ikokonsidera niya ang pagbebenta ng mga ari-arian ng Philippine government kapag naubos na ang pondo nito para sa paglaban sa COVID-19 at para sa ayuda sa mga apektadong Pinoy.
Comments are closed.