PINAGHAHANDA ng isang kongresista ang gobyerno sa patuloy na pagbagsak ng piso kontra dolyar.
Ayon kay Kabayan Rep. Ciriaco Calalang, batay sa forecasts ng mga government official at private sector analyst, maaaring tumagal pa ang P53 hanggang P54 na palitan ng piso sa kada dolyar.
Ito, aniya, ang dapat na paghandaan ng pamahalaan dahil apektado ng paghina ng piso ang pagsipa ng presyo ng krudo at pagkain, at singil sa kuryente, tubig at iba pang serbisyo.
Sinabi ni Calalang na para maiwasan ang mabigat na epekto ng pagbagsak ng piso ay maaaring magbigay ang pamahalaan ng shock absorber tulad ng tax amnesty para sa macroeconomic at sa consumer levels.
Iminungkahi rin ng kongresista na palakasin ang mga bangko, lalo na sa rural areas, magtatag ng fuel reserves, palakasin ang local source ng raw materials, hikayatin ang malls na magtinda ng locally-made products at palakasin ang investments at savings ng OFWs, BPOs, exporters at tourism sector. CONDE BATAC
Comments are closed.