SA KANILANG tuloy-tuloy na intensive training, extensive international play, at dating track record, ang Filipinas ay malakas na gold medal contenders sa 32nd Cambodia Southeast Asian Games sa Mayo, ayon kay football general secretary Atty. Ed Gastanes.
“We have a very real chance right now for our national women’s football team in the Cambodia SEA Games given its preparations and our committed and competent coaching staff,” pagbibigay-diin ni Gastanes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na idinaos sa PSC conference room ng Rizal Memorial Sports Complex nitong Martes.
“After the Filipinas captured the AFF Women’s Championship trophy last year, they are really looking forward to bagging another medal, if not the gold,” dagdag ng Philippine Football Federation (PFF) official.
Makaraang mag-qualify para sa FIFA Women’s World Cup makaraang umabot sa semifinals ng AFC Women’s Asian Cup sa India noong January ng nakaraang taon, ang tropa ni Australian coach Alen Stajcic ay nagkamit ng isa pang milestone sa pagkopo ng AFF Women’s Championship title sa harap ng banner hometown crowd sa Rizal Memorial Football Stadium pagkalipas ng apat na buwan.
Ang kanilang matagumpay na kampanya ay kinabilangan ng empathic 4-0 win kontra Vietnam sa semifinals.
“There are actually two national women’s teams preparing for the SEA Games, one is Vietnam and the other is the Philippines,” pahayag ni Gastanes sa session na suportado ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.
“The SEA Games women’s finals will be another historic event for us,” dagdag ng PFF honcho, inaasahan ang championship showdown sa pagitan ng World Cup-bound Filipinas at ng two-time reigning SEAG football queens.
Ang Filipinas ay nagwagi ng bronze medal sa 31st edition ng regional meet na idinaos sa Hanoi, Vietnam.
Bago ang Cambodia SEA Games ay sasabak ang Nationals sa ilang tune-up games kung saan inanunsiyo ni Gastanes ang ilang international competitions na nakalinya para sa kanila sa 2023.
“The Filipinas will kick off their season with the four-nation Pinatar Cup in Murcia, Spain,” aniya patungkol sa torneo na nakatakda sa Feb. 15-21 at tatampukan din ng Wales, Scotland at Iceland sa Murcia, Spain.
Sasalang din sa aksiyon ang Filipinas sa April 3-11sa first round ng Olympic women’s football qualifiers para sa 2024 Paris Olympics kung saan makakaharap nila ang Pakistan, Tajikistan, at Hong Kong sa Group E sa venue na hindi pa inaanunsiyo.
May pinakamataas na world ranking sa apat na koponan, si Gastanes ay kumpiyansa na uusad ang Pilipinas sa second round ng Asian Olympic qualifiers sa October.
Samantala, sinabi niya na ang Cambodia SEAG ay magsisilbing key tune-up tournament para sa tropa ni Stajcic bago sila sumabak sa FIFA Women’s World Cup sa July 20-Aug. 20 sa Australia at New Zealand.
Umaasa ang PFF na makapag-organisa ng isang tri-nation tournament para sa Filipinas bago sila lumipad upang katawanin ang bansa sa blue-ribbon football competition sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang Filipinas ay nasa Group A kasama ang Ferns, ang tawag sa koponan ng New Zealand, Norway, at Switzeland.
Inaasahang lalahok din sila sa 19th Hangzhou Asian Games sa Sept. 23Oct. 8 sa Hangzhou, China bago tapusin ang kanilang hectic competition schedule para depensahan ang kanilang AFF Women’s Championship trophy sa November.
CLYDE MARIANO