GOLD TARGET NG GILAS VS JORDAN PINAY CYCLIST BAGSAK SA

HANGZHOU – Isa itong rematch na tatatak sa lahat: Gilas Pilipinas vs Jordan para sa 19th Asian Games men’s basket- ball gold medal.

At Justin Brownlee vs Rondae Hollis-Jefferson para sa bragging rights bilang best player ng torneo.

Samantala, ang 2023-2024 PBA season ay maaaring apat na linggo pa mula ngayon, subalit ang Gilas-Jordan finals ay magkaka loob din ng isa pang magandang matchup: Brownlee-led Ginebra San Miguel vs Hollis-Jefferson-led TNT Tropang Giga sa darating na Commissioner’s Cup.

Subalit ngayong Biyernes, ang lahat ay nakatutok sa bakbakan ng Gilas at Jordan sa Hangzhou Olympic Sports Center.

Ang Jordan ay hindi pa nananalo ng Asian Games title, kung saan dalawang beses itong tumapos sa fourth place, kabilang noong 1986 sa Seoul kung saan yumu- ko ito sa isang all amateur Philippine team na ginabayan ni Joe Lipa sa battle for bronze.

Samantala, ang Pilipinas ay huling naghari sa Asiad bas- ketball noong 1962, nang ang kasalukuyang coach nito na si Tim Cone ay 7-anyos pa lamang.

Pakay rin ng Na- tionals na makaganti makaraang talunin sila ng Jordan sa preliminaries, 87-62, at dalhin sila sa mahirap na daan kontra Iran sa quarters at China sa semis.

Taliwas dito, ang Jordan, na nakuha ang isang outright quarterfinal berth makaraang pataubin ang Gilas, ay namayani sa Saudi Arabia sa round of eight at Chinese-Taipei sa Final Four.

Subalit napag- tagumpayan ng Gilas ang dalawang misyon, nalusutan ang paghahabol ng Iranians upang maungusan ito ng isang puntos, at pagkatapos ay nakumpleto ang epic rally upang gapiin ang host China, ng isang puntos ulit — sa pangunguna ni Brownlee.

“This is special,” wika ni Cone.

“Twenty-five years ago, China beat me.

And, I tell you, to this day that’s the only game where I cried. To come back here and get this victory now is to come full cycle. It’s an emotional time for us and, I think, for everybody.”

“But I’m trying to keep an even keel because we got another game, and our goal still is to win the gold. We said that from the beginning. I’m not sure we believe we’d get here, but we did say that from the beginning. We also kept saying we want to get back and play Jordan, so we’re back to play them.

Now we’ll see what we can do on Saturday,” dagdag pa ni Cone.

Ang Jordan ay nag-martsa sa gold medal game makaraang tambakan ang Chinese-Taipei, 90-71, sa kanilang Final Four match, sa pangunguna ni Hollis-Jefferson na may 20 points.