TAMPOK sa radio program ng PILIPINO Mirror na USAPANG Payaman sa DWIZ882 ang good governance, enhancement sa talent ng mga gifted child at pag-alalay ng Rotary sa small, medium entrepreneur na tinawag na Sugod Negosyo.
Ang nasabing highlights ay pasok sa 7 areas of focus ng Rotary Club at upang maging inspirasyon ay ginawaran ang 12 nilang members ng Mario Nery Awards habang 16 ang tumanggap ng Rotary Golden Wheel Award, bilang pagkilala sa outstanding non-rotarians and individual.
Sa non-rotarian na ginawaran, kabilang sina Philippine National Police Chief, Benjamin Acorda Jr. at Miss Universe-Philippines Michelle Dy na pawag non-rotarian pero kinilala ang kanilang ambag at pasok sa 7 areas of focus ng organisasyon.
Si HCP Juan Paulo Sagana, president ng RC Sta. Mesa na nasa ilalim ng Rotary District 3780 sa pamumuno ni District Governor Paul Angel Galang, ang kabilang sa nangasiwa ng The Rotary Golden Wheel Awards nitong Marso 16 sa Pasig City at may theme na Create Hope of the World.
Sinabi ni Sagana na kabilang naman sa recipient ng Mario Nery Award ay sina HCP Margie De Castro, RC Malingap na nasa government service at pasok siya sa category ng good governance.
Ang RC Sta. Mesa sa pamumuno ni Sagana ay tumanggap din ng Plaque of Appreciation bilang host club ng nasabing pagbibigay ng parangal.
Bilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue –RDO 50, sa pamamagitan ng 30-minute show Entrep Tips ay maraming taxpayer ang natutulugan ni HCP Margie de Castro para makapag-comply sa pamahalaan kaugnay sa pagbubuwis.
Habang bilang Rotarian, isinulong niya ang proyekto na i-enhance ang talento ng mga gifted child sa pamamagitan ng pagpipinta at makatulong sa mga magulang na huwag itago ang kanilang anak at hayaan makihalubilo upang umunlad ang kaalaman.
Si Dr. Benjamin Ganapin Jr. ng BVG Foundation at president ng RC Cosmopolitan Cubao ay recipient din ng Mario Nery Awards dahil sa kanyang pagtulong sa SMEs partikular ang kanyang Sugod Negosyo upang mahikayat ang publiko na magnegosyo kahit maliit na puhunan.
“Pinaglumaan N’yo Kinabukasan Namin” naman ang theme ng proyekto ng RC Sta. Mesa sa pangunguna ni HCP Juan Paulo Sagana at ito ay may collaboration sa Quezon City government kung saan ang mga donasyong pre-loved na damit at iba pang item ay ibebenta para naman matustusan ang programang Eradicating Illteracy Challenge .
Layunin ng programa nasa ilalim ng RC District 3780 ay matulungan ang kabataan na mailayo sa kamangmangan o matutong magbasa, magbilang at magsulat. Umaasa naman ang mga nabanggit na indibidwal na ang kanilang mga proyekto ay tunay na makatulong sa kabataan at maging sa SMEs.
EUNICE CELARIO