GOOD LUCK, EJ!

on the spot- pilipino mirror

MEDYO sumablay si EJ Obiena sa qualifying round ng pole vault sa Tokyo Olympics.  Pero  babawi ngayon si Obiena upang sikwatin ang gold na inaasam din ng ating mga kababayan.

Tulad ni Hidilyn Diaz ay inaabangan  ng sambayanang Pilipino ang kanyang laro. Sama-sama tayong manalangin para sa tagumpay nina Nesthy Petecio, Obiena, Eumir Marical at Carlo Paalam.

Naging maganda ang simula ni EJ sa qualifying na nalundag niya ang 5.5 at 5.65 meters pero kinailangan ng player ng tatlong attempt para makuha ang 5.75.

Halatang kinabahan si Obiena sa qualifying. Pero sinabi ni tatay Emerson  na handa na ang kanyang anak ngayon para sa gintong  medalya. Good luck!



Balik sa porma ang Rain or Shine Elasto Painters. Pagkatapos  ng dalawang sunod na talo.ay  nakabawi rin ang mga player ni coach Cris Gavina kontra Terrafima Dyip, 83-77.

Si Gabe Norwood ang napiling ‘Best Player of the Game’. Iba rin ang itinulong nina Adrian Wong, Jayvee Mocon, Rey Nambatac, Beau Belga at rookie Andrei Caracut. Sa ngayon, ang ROS ay may 4-2 kartada.

Ang maganda kay coach   Gavina ay walang nababangko sa kanyang mga player . Pawang nagagamit niya. Ayaw kasi ng mga team owner na sina Raymundo Yu at Terry Que na hindi paglaruin lahat ang kanilang mga manlalaro kahit minuto lang.



Bukas na gaganapin ang ika-24 session ng National Sports Summit, tampok ang Philippine Sports Institute (PSI).

Magiging  speaker si PSC-PSI Grassroots Program Head Abigail Marie Rivera para sa dalawang oras na programa. May  500 participants  mula sa iba’t ibang local government units (LGUs), National Sports Associations (NSAs), sports educators, stakeholders, at iba pang private entities nationwide.

Ang PSI ay opisyal na itinatag ni  PSC Chairman William Ramirez noong 2017 sa ilalim ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Ang PSI ay magiging regional training center ng PSC at ito rin ang magiging daan  para sa grass-roots program upang  makadiskubre ng mga bagong atletang Pinoy na puno ng  talento upang mapabilang sa  Philippine team at maging world-class athletes.

6 thoughts on “GOOD LUCK, EJ!”

  1. 268951 866168Im not positive exactly why but this internet web site is loading extremely slow for me. Is anyone else having this issue or is it a difficulty on my finish? Ill check back later and see if the issue still exists. 99470

  2. 546128 788362Any person several opportune pieces, it comes surely, as well as you bring in crave of various the many other types of hikers close to you with hard part your question. pre owned awnings 888075

Comments are closed.