NANGANGANIB na masuspinde ang accreditation ng transport network company Grab Philippines dahil sa pagpapataw ng minimum fares nang walang pahintulot ng ahensiya.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pinag-aaralan nilang suspendihin ang accreditation ng Grab kasunod ng natuklasan nilang P80 na minimum na pasahe sa Grab car at P125 sa Grab premium.
Sinabi ni Lizada na hindi nababanggit sa kahit anong dokumentong isinumite sa kanila ng Grab ang hinggil sa minimum na pasahe.
Aniya, ang minimum na pasahe ng Grab ay nakabatay sa department order ng nakaraang administrasyon kung saan pinapayagan ang transport network companies na magtakda ng pasahe kahit walang public bidding.
Aminado siya na kahit dalawang taon na silang nasa posisyon ay hindi nabago ang naturang department order.
Dahil dito, sinabi ni Lizada na iminungkahi niya sa LTFRB Board na pansamantalang suspendihin ang accreditation ng Grab dahil may mga bagong disenyo ang kanilang aplikasyon na hindi pamilyar sa LTFRB. DWIZ 882
Comments are closed.