HINDI na nasasaktan si Gretchen Barretto kung mapag-usapan na siya ay kabit ni Mr. Tony Boy Cojuangco, dahil iyon ang reyalidad sa kanyang buhay-pakikipagrelasyon. Klaro naman kasi na dumating siya sa buhay ng rich businessman sa panahong hiwalay na ito sa kanyang tunay na asawa. Kilala sa lipunan ang nasabing pamilya, kaya alam naman sa buong Filipinas kung ano ang sitwasyon na pinasukan ng magandang aktres.
Ang hindi kayang palagpasin ni Gretchen ay ‘yung bastusin na siya. Matalinong tao ang sister ni Claudine Barretto, at alam na alam niya ang pinanggagalingan ng isang tao sa pagbibitiw ng mga salita kung gusto lang siyang bastusin at insultuhin, lalo na sa kasagsagan ngayon ng social media. Kung dati-rati ay pinagtataasan lang siya ng mga kilay, ngayon ay inaatake na siya sa pamamagitan ng socmed.
Aware si Gretchen na paulit-ulit lang naman siyang gustong insultuhin ng mga galit at naiinggit sa kanya. Pero sorry na lang sa mga nagmamaasim sa kanya, dahil winner talaga ang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Gumaganti lang ng pagmamahal si Mr. Tony Boy Cojuanco, dahil hindi na siya bumabata. At sa panahong mayroon siyang mga karamdaman ay hindi siya iniwan o pinabayaan ni Gretchen.
‘Yun naman ang totoo.
VG DANIEL FERNANDO ‘DI IIWAN ANG PAG-AARTISTA
PAHINGA muna ulit si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa paglabas sa telebisyon dahil sobrang busy na siya ulit sa kanyang tungkulin para sa kanyang mga kababayan. Solved na rin naman siya sa role na kayang ginampanan sa nagtapos na teleseryeng “Ikaw Lang Ang Iibigin” ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, dahil nagtagal iyon sa ere.
Mahal ni VG Daniel ang kanyang propesyon bilang artista. Magaling siyang aktor at hindi niya planong iwanan ang showbiz kahit ilang taon na siyang sinusuwerteng makapanungkulan sa probinsiya ng Bulacan.
“Nagkokontrabida na ako dati nu’ng uso ang action movies. Nalungkot ako nu’ng mawala na ang paggawa ng action, dahil pati ‘yung mga sikat noon na mga action star ay nawala rin,” wika ng aktor-politiko.
Promise ni VG Daniel ay babalik ulit siya sa paggawa ng pelikula o teleserye kapag puwede na ulit siyang makasingit mula sa kaabalahan niya ngayon. “Hindi ko puwedeng basta iwan ang showbiz. Dahil dito ako nakilala at ito rin ang nagbigay sa akin ng pangalan kaya nakarating ako sa larangan ng politika,” say pa niya.
JESSY MENDIOLA AMINADONG MARAMING NATUTUNAN SA BF NA SI LUIS
EKSAKTONG dalawang taon na ngayon ang relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Parehong happy ang dalawa, dahil habang tumatagal ang kanilang relationship ay hindi sila nagkakaroon ng problema para mamiligro ang kanilang pagmamahalan. Kaya nga, ang inaabangan ng kanilang mga kaibigan sa showbiz ay kung kailan ba talaga sila magpapakasal.
Hindi pa nila kayang magbigay ng mga kaukulang detalye tungkol sa plano kung kailan ba talaga magaganap ang kanilang pagpapakasal. Para kina Jessy at Luis ay mas magandang i-announce iyon sa madlang people kung plantsado na talaga ang mga plano. Sa ngayon, ang nakakaya pa lang nilang ipakita ay ang pruweba na sobra silang in love sa isa’t isa.
Aminado si Jessy na marami siyang natutunan sa relasyon nila ng panganay na anak ni Congresswoman Vilma Santos-Recto. Kung dati-rati’y masyadong naaapektuhan ang magandang aktres sa pang-iinis ng kanyang mga basher, dahil kay Luis ay natutunan niya na hindi lahat ng pang-o-okray sa mga artista ay ipagwawalang-bahala. Kailangan mo rin ipagtanggol ang sarili mo kung binabastos ka na. RATSADA/MELCHOR M. BAUTISTA
Comments are closed.