KUMAMADA si Donovan Mitchell ng 30 points at 10 assists upang pangunahan ang Utah Jazz sa first-round-clinching 126-110 Game 5 victory kontra Memphis Grizzlies noong Miyerkoles ng gabi sa Salt Lake City.
Nagdagdag si Sixth Man of the Year winner Jordan Clarkson ng 24 points at nakalikom si Rudy Gobert ng 23 points, 15 rebounds at 3 blocks para sa Jazz, na umabante ng hanggang 35 points, at nakopo ang kanilang ika-4 na panalo para sibakin ang Grizzlies.
Hinihintay na lamang ng Utah, na tumapos na may best record sa NBA, ang magwawagi sa Los Angeles Clippers-Dallas Mavericks series.
Nagtala si Ja Morant tallied ng 27 points at 11 assists habang umiskor si Dillon Brooks ng 27 para sa Grizzlies, na nakapasok sa playoffs sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon.
MAVERICKS 105,
CLIPPERS 100
Sinaklolohan nina Tim Hardaway Jr. at Kristaps Porzingis ang napapagal nang si Luka Doncic sa pamamagitan ng magkasunod na 3-pointers sa huling tatlong minuto at inapula ng bisitang Dallas Mavericks ang mainit na paghahabol ng Los Angeles Clippers upang maitakas ang 105-100 panalo at kunin ang 3-2 lead sa kanilang Western Conference first-round playoff series.
Tumapos si Doncic na may game-high 42 points, at tinulungan ang Mavericks na maitala ang series’ fifth consecutive victory ng road team.
Nakatakda ang Game 6 sa best-of-seven sa Biyernes ng gabi sa Dallas.
HAWKS 103,
KNICKS 89
Naitala ni Trae Young ang 18 sa kanyang game-high 36 points sa fourth quarter nang sibakin ng bisitang Atlanta Hawks ang New York Knicks sa pamamagitan ng 103-89 panalo sa Game 5 ng kanilang Eastern Conference quarterfinals.
Makakasagupa ng fifth-seeded Hawks, na nagwagi sa huling tatlong laro na may pinagsamang 42 points upanf kunin ang kanilang unang first series win magmula noong 2016, ang top-seeded Philadelphia 76ers sa conference semifinals simula sa Linggo.
Tumipa si Clint Capela (14 points, 15 rebounds) ng double-double para sa Hawks habang nag-ambag sina De’Andre Hunter ng 15 points at John Collins ng 13.
SIXERS 129,
WIZARDS 112
Umiskor si Seth Curry ng playoff career-high 30 points at nagdagdag si Tobias Harris ng 28 points at 9 rebounds nang sibakin ng host Philadelphia 76ers ang Washington Wizards sa limang laro sa pamamagitan ng 129-112 panalo.
Tumapos si Ben Simmons na may 19 points, 11 assists at 10 rebounds para sa top-seeded Sixers, na makakaharap ang Atlanta Hawks sa Eastern Conference semifinals.
Ito ang ikatlong career playoff triple-double ni Simmons. Nagdagdag si Tyrese Maxey ng 13 points, tumirada si Dwight Howard ng 12 points, 8 rebounds at 3 blocked shots, at tumipa si Furkan Korkmaz ng 10 points.
251011 68591I like this web site its a master peace ! Glad I detected this on google . 75128
216391 32438Some times its a pain inside the ass to read what folks wrote but this internet web site is quite user friendly ! . 614358