GROSECLOSE NASA GANGWON NA PARA SA WINTER YOUTH OLYMPICS

DUMATING si speed skater Peter Groseclose sa South Korea nitong Linggo, ilang araw bago ang opening ceremony ng  2024 Winter Youth Olympic Games sa Biyernes sa Gangwon.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na susunod ang dalawang iba pang Filipino athletes kung saan si freestyle skier Laetaz Amihan Rabe ay magtse-check in sa Gangneung Youth Olympic Village sa Biyernes habang si cross-country skier Avery Balbanida ay darating sa  January 25.

Sina Tolentino at POC secretary-general Wharton Chan ay lilipad sa Gangwon sa Huwebes at magkikita sila nina chef de mission Ada Milby, Philippine Skating Union president Nikki Cheng at Philippine Ski and Snowboard Federation secretary-general Jezreel Apelar.

Ang opening ceremony ay magkasabay na idaraos sa Gangneung Oval and PyeongChang Dome para sa games na lalahukan ng  1,900 atleta na may edad 15 hanggang 18 mula sa 79 bansa na sasabak sa 81 events na ikinalat sa pitong sports. Si Groseclose, 16, ay nag-qualify para sa 500-, 1000- and 1,500-meter races ng short track na lalarga sa January 20-24.

Pasok naman si Rabe, 14, sa Slopestyle and Big Air events, habang si Balbanida, 16, ay lilipad mula sa Calgary City para sa 7.5-km classic skiing at sprint freestyle na nakatakda sa January 29 -February 1.

“It’s always exciting for the Philippines to be on any international stage and for us to have three athletes in the Winter Youth Olympic Games,” sabi ni Milby, head ng rugby federation.

“It demonstrates the commitment of the athletes to perform on that level.” Magtatapos ang games sa February 1.