(Gumagamit ng ‘di rehistradong gamot) DIALYSIS CENTER SINALAKAY, DALAWANG STAFF ARESTADO

CAVITE- INARESTO ng mga ahente ng NBI – National Capital Region (NBI-NCR) ang dalawang tauhan ng dialysis center sa Dasmariñas City dahil sa paggamit ng mga hindi rehistradong dialysis fluids.

Nagsilbi ng search warrant ang mga awtoridad sa isang dialysis cen­ter sa bahagi ng Paliparan Road kung saan gina­gamit ang mga gamot.

Natagpuan sa lugar ang mga dialysis fluids na nagkakahalaga ng P300,000 subalit bigo naman ang dalawang em­pleyado na magprisinta ng License to Ope­rate mula sa FDA dahilan upang sila ay arestuhin.

Giit naman ng abogado ng dialysis cen­ter, rehistrado ang mga ginagamit nilang gamot.

Nahaharap ang da­lawang suspek sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009.

SID SAMANIEGO