(Gumagamit ng pekeng pangalan) 351K USERS SINUSPINDE NG GRAB

Brian Cu

SINUSPINDE ng ride-hailing app na Grab ang nasa 351,000 passengers at customer accounts dahil sa paggamit ng mga pekeng pangalan noong 2019.

Sa isang Facebook post, sinabi ni  Grab Philippines country head Brian Cu na  856 users ang sinuspinde ngayong taon dahil sa kaparehong paglabag.

Bukod sa account suspension, naka-ban din ang nasa 125,000 pasahero at  customer dahil sa labis na ride at order cancellations, paglikha ng multiple accounts, pagbibigay ng hindi makatarungang  low ratings sa mga driver at iba pang pandaraya.

Hindi bababa sa 128,000 users ang mino-monitor din ng Grab dahil naman sa pagiging abusado, pagkabigong magbayad ng tamang pasahe, over-loading at paglalagay ng maling pick-up point.

Nauna nang sinabi ng Grab na ang mga pasahero na hindi sumisipot o nagpapakita makaraang mag-order sa pamamagitan ng GrabFood ay parurusahan.

Ipinanukala rin ng ride-hailing firm ang paniningil ng  ride-cancellation fees, na binawi dahil sa regulatory concerns at public opposition.

Comments are closed.