GURO TINADTAD NG SAKSAK NG LIVE-IN PARTNER

Saksak

CAMARINES SUR – DEAD on the spot ang isang guro matapos na saksakin ng paulit-ulit ng kanyang kinakasama sa loob pa mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Binanuahan, sa Bato.

Sa ulat ng pulisya nasawi sanhi ng may 20 saksak ang elementary public school teacher na kinilalang si Liezel Tato, 24-anyos,  ng Barangay Binanuahan.

Habang arestado naman kaagad ang kinakasama ng biktima na si Reymark Tabiling, dahil sa naganap na  kaguluhan  bunsod ng umano’y bulong ng demonyo sa supek.

Pagdating ng Bato PNP sa crime scene ay nakahandusay ang mga ito sa tabi ng banyo habang sa ‘di kalayuan ay nakuha naman ang may 10 pulgadang haba ng kitchen knife at cellphone ng biktima.

Hinihinalang selos ang motibo sa pangyayari subalit hindi naman matukoy ang partikular na kuwento kaya inutos na isailalim din sa drug test ang suspek na posibleng gumagamit ng ilegal na droga.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang suspek na nagtangkang mag-suicide nang makitang patay na ang kinakasama. VERLIN RUIZ

Comments are closed.