NANAWAGAN si Senadora JV Ejercito sa Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na ayusin ang hindi pagkakasundo sa pagpapatupad ng regulasyon para sa gadgets na inilalagay sa motorcycle vehicles.
Nakapaloob sa sulat na ipinadala ni Ejercito kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na hindi kinikilala ng PNP-HPG ang LTO memorandum na inisyu noong 2016 na pinapayagan na gumamit ng LED auxiliary lights at mufflers ang mga motor.
Aniya, sa kabila ng nasabing memorandum ng LTO, ang ipinatutupad ng PNP-HPG ay ang Presidential Decree No. 96 kung saan ay ipinagbabawal ang paggamit ng sirena, kampanilya, busina at iba pang katulad na gadgets at huhulihin ang mga driver nito.
“In the interest of our motorists, I am asking the LTO and the PNP-HPG to discuss the conflict and misinterpretation of our laws and clarify regulations governing such gadgets. This is to further avoid burdening the public due to the divergence of policies of our implementing agencies. I would also appreciate if you could update my office regarding the matter,” dagdag pa ni Ejercito sa liham na ipinadala rin kay HPG Director Chief Supt. Arnel B. Escobal. VICKY CERVALES
Comments are closed.