HALAGA NG BIGAS MAS MABABA NGAYON KAYSA NOONG ISANG TAON—DTI

bigas

MAS mababa ang presyo ng bigas ngayong taon kumpara sa nagdaang taon, ayon sa report ng Department of Trade and Industry (DTI) ka­makailan.

Ang well-milled rice ay P34 hanggang 38 bawat kilo habang ang regular-milled rice ay nasa P30 hanggang  P34.

“Hindi ho tumaas ang presyo nga­yon kasi kung maalala n’yo, noong panahong ito last year, ang presyo ng bigas ay mga P48 to P50 plus. ‘Yung mga bigas ngayon na well-milled, ‘yung puti, ‘yung good quality, usually ‘yung imported, nabibili ngayon ng P40 and below,” paliwanag ni Trade Sec-retary Ramon Lopez.

Ang presyo ay dapat mas bumaba pa dahil sa dagdag na supply mula sa imported rice.

“Kung marami pang supply, dapat bumaba pa ‘yan doon pa sa mga level ng P35,” sabi ni Lopez.